Home NATIONWIDE DOH sa mga Pinoy: Kumain pa rin ng masustansya ngayong holiday, iwasang...

DOH sa mga Pinoy: Kumain pa rin ng masustansya ngayong holiday, iwasang mag-‘Sharon’

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang publiko na kumain ng masustansya sa gitna ng pagdiriwang ngayong holiday season.

“Choose only those that would satisfy your food cravings, and make sure you only get portions onto your plate. It’s a wise advice that at least half of your plate would be fruits and vegetables and there should be more social interactions rather than just eating,” pahayag ni DOH Undersecretary Eric Tayag sa isang panayam.

Kung hindi umano maiiwasan ang “binge eating” sinabi ni Tayag na tiyaking babalik sa healthy lifestyle pagkatapos ng Kapaskuhan.

Sa halip umano na mag-uwi ng pagkain mula sa mga pagtitipon ng pamilya, sinabi ng DOH official na mas mainam na ibahagi na lamang ito sa mga nangangailangan o kaya naman ay itago ang pagkain sa refrigerator at kainin sa loob ng tatlong araw.

Hinikayat din ni Tayag ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa gitna ng panahon ng tigdas, na maaaring makamatay sa ilang kaso. RNT/SA

Previous articleBabae natusta sa Araw ng Pasko
Next article4 patay, 2 sugatan sa aksidente sa motorsiklo