Home HOME BANNER STORY DOH sa private sector: ‘Wag nang bumili ng bivalent vax

DOH sa private sector: ‘Wag nang bumili ng bivalent vax

96
0

MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Health (DOH) sa pribadong sektor na huwag nang bumili ng mga doses ng COVID-19 bivalent vaccines upang maiwasan ang karagdagang pag-aaksaya ng bakuna.

Payo ni Health OIC Maria Rosario Vergeire sa pribadong sektor na umasa na lamang sa pagbili ng pambansang pamahalaan upang maiwasan ang higit pang pag-aaksaya ng mga bakuna dahil marami pang monovalent vaccine
na magagamit bilang booster para sa ating populasyon.

Ang pribadong sektor ay pinahihintulutan na kumuha ng pangalawang henerasyong mga bakuna na naka-target laban sa variant ng Omicron sa pamamagitan ng mga mekanismo ng pambansang pamahalaan, batay sa umiiral na batas.

Pero binigyan diin ni Vergeire na nasa 26 milyong COVID-19 vaccines ang nananatiling hindi nagagamit kung saan ang 16 milyon nito ay nasa national warehouse habang ang 10 milyon ay naipamahagi na sa ibat-ibang local governtment units.

Iyan ay higit pa sa 24 milyong doses na nag-expire na.

Samantala, inaasahan ng DOH ang isang milyong doses ng bivalent COVID-19 Pfizer vaccines na donasyon ng COVAX facility na darating sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Vergeire, sa inisyal na donasyon ito, prayoridad ang mga healthcare workers, senior citizens, at mga indibidwal na may comorbidities.

Sa ngayon, naglabas na ang Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePulis, pinasok at ninakawan sa Navotas
Next articleDOH, DBM magpupulong sa naantalang COVID allowance ng health workers