Home HEALTH DOH: Walang COVID cases sa Mayon bakwits

DOH: Walang COVID cases sa Mayon bakwits

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na walang COVID-19 infections na kasalukuyang aktibo sa mga evacuees dahil pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa isang press conference, sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Enrique Tayag na mayroong apat na naiulat na kaso ng COVID-19 sa Albay evacuation centers noong Hulyo 14, ngunit lahat sila ay nagbunga na ng negatibong resulta at nakalaya na sa isolation.

“Walang aktibong kaso o kumpirmadong kaso ng COVID na iniulat sa mga evacuation camp,” aniya.

Nauna nang sinabi ng DOH na isinasagawa ang COVID-19 testing at contact tracing sa mga evacuees ng Bulkang Mayon upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga evacuation centers.

Sinabi rin ni Tayag na ang mga bakunang Sinovac COVID-19 ay kasalukuyang ibinibigay sa Rehiyon ng Bicol, na ang mga bivalent jab ay malapit nang dalhin sa mga evacuation camp. RNT

Previous articleKahandaan ng CAR disaster groups ipinamalas
Next article300 tonelada ng bangus nagsimatayan sa Batangas