Home NATIONWIDE DoJ at UN special rapporteur magpupulong sa sunod na linggo

DoJ at UN special rapporteur magpupulong sa sunod na linggo

MANILA, Philippines – Makikipag-usap ang Department of Justice (DOJ) kay United Nations (UN) special rapporteur Irene Khan sa pagbisita nito sa bansa sa January 23 hanggang February 2.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, magkakaroon ng serye ng pag-uusap sina Khan at Justice Undersecretary Raul Vasquez kaugnay sa pagtatayag at proteksyon ng right to freedom of opinion and expression at mga inisyatibo na nagpatibay sa pundasyon ng hustisya, freedom of expression, at rule of law sa Pilipinas.

Sinabi ni Remulla na ang pagbisita ni Khan ay isang testamento sa mga hakbangin na nagawa na ng bansa alinsunod sa pangitain ng Oangulong Marcos na ‘bagong Pilipinas’ na umuunlad at nagpapahalaga umano sa kalayaan, hustisya, at seguridad ng bawat mamamayan.

Ipinunto ng kalihim na ang pakikipagtulungan ng DOJ at ng UN rapporteur ay patunay na tinitiyak ng Pilipinas na naipatutupad ang media security at protection ng kalayaan ng mga mamamahayag.

Si Khan ang ikatlong UN rapporteur na nagtungo sa bansa sa ilalim ng Marcos administration. Ang mga bumisita na dati ay sina Mama Fatima Singhateh at Dr. Ian Fry.

Magugunita na inirekomenda ni Fry nitong November 2023 ang pagbuwag sa anti-insurgency arm ng gobyerno na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Napansin din ni Fry na kulang umano ang bansa sa mga batas hinggil sa climate change. Teresa Tavares

Previous articleSolon umalma, pirma sa petisyon vs dagdad-unprogrammed appropriations ‘di otorisado
Next articleDA chief: Higit ₱90B kailangan sa pagtugon sa isyu sa agri sector