Home HOME BANNER STORY DOJ magpapadala ng NBI team sa pagdakip kay Teves

DOJ magpapadala ng NBI team sa pagdakip kay Teves

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapadala ng team ng National Bureau of Investigation sa Timor Leste para arestuhin si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang inilabas na red notice ng International Police (Interpol) ay maituturing na international warrant of arrest sa isang pinaghahanap ng batas na tumawid ng border o lumabas ng bansa.

Idadaan din ng DOJ sa Department of Foreign Affairs ang opisyal na usapin ng pagpapadala ng 3-man team ng NBI para arestuhin si Teves katuwang ang law enforcement team ng Timor Leste.

Humingi na ang Pilipinas ng tulong sa ibang bansa upang arestuhin ang dating mambabatas na akusado sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Idineklara rin si Teves na isang terorista bunsod ng hawak umano nito na grupo na sangkot sa mga pagpatay sa Negros Oriental. Teresa Tavares

Previous articleTrilyong dolyar nawawala sa ekonomiya ng bansa sa kawalan ng maritime zone law – Tolentino
Next articleParak patay sa sagasa ng pick-up