Home NATIONWIDE DOJ muling makikipagpulong sa pamilya ng missing sabungeros

DOJ muling makikipagpulong sa pamilya ng missing sabungeros

MANILA, Philippines- Makikipagpulong muli si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pamilya ng mga nawawalang sabungero upang tiyakin na ginagawa lahat ng paraan ng DOJ upang maresolba ang kaso.

Inihayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano na binabalangkas na ang isusumiteng apela sa Manila Regional Trial Court Branch 40 para mabaligtad ang ipinagkaloob na piyansa sa anim na suspek na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnny Consolacion at Roberto Matillano Jr.

Ayon kay Clavano, makikipagpulong ang kalihim sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero sa susunod na linggo kasama ang mga kinatawan ng National Bureau of Investigation, at ng Philippine National Police.

Sinisikap aniya ng DOJ na gamitin ang lahat ng legal remedies.

Tiniyak din ni Clavano na hindi pa tapos ang laban kahit nakapagpiyansa ang mga suspek.

“We will stand strong with what we have and we will prosecute until the end,” giit ni Clavano.

Patuloy na umaasa ang pamilya ng mga biktima na may lalantad na testigo kahit umatras na sa kaso ang ilan sa pamilya ng mga nawalang sabungero. Teresa Tavares

Previous articleBea-Dom wedding, may pasilip!
Next article‘Bagong Pilipinas’ aarangkada bukas