Home NATIONWIDE DOJ naglabas ng mas malinaw na proseso sa paghawak sa online harassment...

DOJ naglabas ng mas malinaw na proseso sa paghawak sa online harassment cases

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Justice (DOJ) Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang bagong “Guidelines Gathering Evidence and Case Build-up of Gender-Based Online Sexual Harassment (GBOSH).”

Nakipagtambalan ang DOJ sa mga law enforcement agencies upang makabuo ng mas malinaw na procedures sa pagtanggap ng mga reklamo, pagtugon sa mga insidente at pagkolekta ng mga ebidensya.

Mandato ng DOJ na pangunahan ang pagsulong ng protocols at standards para sa mga kaso na may kaugnayan sa GBOSH.

Sa pamamagitan ng inilunsad na guidelines, mabibigyan ang mga otoridad ng kinakailangan na sangkap sa epektibong pag-iimbistiga at pag-usig sa mga suspek na kinakailangan ng electronic evidence.

“These innovative GBOSH guidelines mark a significant stride in our fight against online violence. We are committed to creating a safer digital space for all Filipinos,” inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla.

Iginiit naman ni Undersecretary Raul Vasquez ang halaga ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan.

“With the guidelines prepared by the task force, we already have a game plan, we already have these processes that would ensure that from here and thereafter, we have a truly coordinated and comprehensive effort of law enforcement and prosecution against sexual predators.” Teresa Tavares

Previous articleClarin, Saito pakners sa ikauunlad ng bilyar
Next articlePBBM umaasa sa partisipasyon ng Bosch sa PUV modernization program ng Pinas