Home HOME BANNER STORY DOJ oks na sa ICC drug war probe sa Pinas kung…

DOJ oks na sa ICC drug war probe sa Pinas kung…

MANILA, Philippines – Papayag na ang Philippine government na magsagawa ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) sa naging war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong President Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mangyayari ito kung masusunod ang lahat ng legal procedures.

Nilinaw ng Kalihim na hindi pipigilan ng gobyerno na mag-imbistiga ang ICC kung wala naman itong gagawin na iligal.

Kung kukuha lamang aniya ng mga salaysay at mga ebidensya ang mga investigator ay okay lang sa DOJ ngunit may mga usapin na dapat munang linawin partikular ang ilang procedure.

Ipinaliwanag ni Remulla na kailangan harapin din ang ilang legal implications ng ICC sa Pilipinas dahil maaring kwestyunin ito sa Supreme Court.

Kailangan aniyang matiyak na masusunod ang ilang proseso upang masiguro na hindi matatapakan ang karapatan ng mga tao.

Ang Pilipinas ay kumalas sa ICC noong March 2019 dahil tutol ang Duterte administration sa hakbang ng international tribunal na magsagawa ng imbestigasyon.

May mga balita na nasa bansa na ang ilang ICC investigators para simulan ang pangangalap ng ebidensya ngunit hindi ito makumpirma ng pamahalaan. Teresa Tavares

Previous articleDeployment moratorium ng seasonal workers sa SoKor ipinatupad ng DMW
Next articleKahit guilty sa bribery, Jinggoy mananatiling senador – Zubiri