DOJ posibleng magkaroon ng bagong kalihim: Palasyo

DOJ posibleng magkaroon ng bagong kalihim: Palasyo

July 1, 2020 @ 12:16 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – “May the best man be appointed to the DOJ.”

Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa tanong kung sino ang posibleng maging bagong Secretary ng Justice Department.

Ito’y makaraang i-nomina ni retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino si DOJ secretary Menardo Guevarra upang maging associate justice ng Korte Suprema.

Mababakante kasi ang isang Supreme Court Associate Justice post sa pagreretiro ni Associate Justice Jose Reyes sa Setyembre 18.

Sa kasalukuyan ani Sec. Roque ay wala pang napipisil na posibleng pumalit kay Guevarra sakaling lumipat nga ito sa Korte Suprema. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...