Doktor na inaresto ng NBI kinastigo ng Lions Clubs International

Doktor na inaresto ng NBI kinastigo ng Lions Clubs International

March 26, 2020 @ 9:34 AM 2 weeks ago

  • 23
  •  
  •  
    23
    Shares
Share

Manila, Philippines – Kinastigo ng Lions Clubs International ang isang doktor na inaresto kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng overpriced thermal scanners habang nahaharap ang bansa sa krisis ng Corona virus disease o Covid-19.

Kasabay nito, itinatwa ng Lions Clubs International na miyembro nito si Dr. Cedric John Sarmiento de Castro na inaresto ng mga operatiba ng NBI-Special Action Unit (SAU) sa kanyang bahay sa Quezon City noong Martes dahil sa pag-aalok ng overpriced thermal scanners sa pamamagitan ng social media.

Isang NBI agent na nagpanggap na kostumer ang nakipagkasundo sa suspek na bibili ng 150 pirasong thermal scanners na ang alok ni De Castro ay halagang P9,300 per unit.

Sa merkado, ang totoong halaga ng thermal scanners ay nasa P500 hanggang P1,500 lamang.

Ang mga ibinebenta umanong thermal scanners ni De Castro ay donasyon lamang sa kanya, gamit ang pangalan ng Lions Club.

Sa isang statement, sinabi ng Lions Clubs International State Council of Governors na hindi na kasapi ng asosasyonsi De Castro simula pa noong July 2019.

Si Dr. Cedric John Sarmiento de Castro matapos dakpin ng mga ahente ng NBI sa isang entrapment operation sa Quezon City.

“The Lions Clubs of the Philippines are not aware of his alleged actions, and we condemned any unauthorized solicitations of donations in the name of Lions Clubs Philippines for personal gain. Lions charitable programs are documented with transparency and integrity, and are subject to audit before and after execution,” ayon kay Michael So, council chairperson.

Dismayado ang Lions Clubs International dahil ginagamit ni De Castro ang malinis na pangalan ng asosasyon para sa kanyang personal na interes.

“We are non-political, non-profit humanitarian organization and our motto is “WE SERVE”. Our most recent humanitarian projects are the relief missions for more than 5,000 families of Taal evacuees, and our ongoing relief operations for families affected by the Covid-19 health and economics crisis,” ang pahayag ng grupo.

“We firmly and absolutely condemn all acts of profiteering and dishonesty,” dagdag pa nito.

Tiniyak ni So na gagawa ng hakbang ang Lions Clubs International laban kay De Castro gayundin sa iba pa gumagamit sa naturang humanitarian organization sa anomang iligal na aktibidad. Nats Taboy

Share

Leave a Reply

Loading...