Home NATIONWIDE DOLE: 3 rehiyon ‘di pa nagkakasa ng taas-sahod ng mga kasambahay

DOLE: 3 rehiyon ‘di pa nagkakasa ng taas-sahod ng mga kasambahay

MANILA, Philippines- Tatlong regional wage boards na lamang sa bansa ang hindi pa naglalabas ng mga utos sa pagtaas ng sahod para sa mga domestic worker (kasambahay), sinabi ng isang labor official nitong Martes. 

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez na ito ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa Central Luzon, Central Visayas at Davao Region.

Ayon sa DOLE, nagkabisa noong Hunyo 2022 ang huling wage order na inilabas sa mga rehiyong ito.

Kasabay nito, iniulat din ni Benavidez na 13 wage boards ang nag-apruba ng mga pagsasaayos sa sahod para sa mga domestic worker. 

“A total of 13 out of the 16 regional wage boards have already issued wage orders for domestic workers,” sabi ni Benavidez.

Inihayag ni Benavidez na 13 wage orders para sa domestic workers na inisyu ng RTWPVs ay ginawang “motu proprio.”

Kabilanh sa mga rehiyong ito ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen at Caraga. 

Inaatasan ang RTWPBs narepasuhin, tukuyin at  ayusin ang minimum na sahod ng mga domestic worker sa pana-panahon, alinsunod sa Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleForced evacuation ipinatupad sa ilang barangay sa Maco, Davao de Oro sa landslides; Butuan City sa baha
Next article‘Pagsipol’ sa mga kababaihan bawal sa Danao City