Home NATIONWIDE DOLE, BI lumagda sa data sharing agreement

DOLE, BI lumagda sa data sharing agreement

MANILA, Philippines – NAGSANIB puwersa ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) sa paglaban sa mga illegal na dayuhan sa pamamagitan ng bagong data sharing agreement.

Pinirmahan ang nasabing kasunduan ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma at BI Commissioner Norman Tansingco, na magbalangkas ng real-time data exchange sa pagitan ng dalawang ahensya.

Sa ilalim ng kasunduan, ipagkakaloob ng DOLE ang komprehensibong datos sa mga dayuhan kaugnay sa alien employment permits (AEP), certificates of exemption and exclusion, gayundin ang mga impormasyon sa mga nakanselang at ni-revoked na AEPs at certificates of exemption at ang mga datos nito ay magagamit ng BI sa mga impormasyon na isinumite ng mga aplikante na may kaugnayan sa conversion o extension ng kanilang mga working visas.

Ang AEP na isang pangunahing requirements para sa mga dayuhan na nag-aaply ng working visas ay may malaking ambag sa pagmimintina ng integridad at seguridad sa labor market.

Ang inisyatibo ay nanggaling sa komprehensibong balangkas ng BI visa issuance system.

“Sana itong dokumentong pipirmahan magpapatunay at magbibigay-buhay doon sa tinatawag na isang bagong Pilipinas na kung saan ang ating constituences, bahagi na riyan ang manggagawa,namumuhunan at pamilyang Pilipino ay makakakita talaga ng maayos sa serbisyo galing po sa ating dalawang tanggapan,” ayon sa labor chief.

Sinabi naman ni Tansingco na ang BI ang nagpasimuno ng online application system para sa working visas, na layunin na mapabilis ang proseso at ma-access ng mga aplikante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePanagbenga Feels at SM: Blooms and Cultural Spectacles Take Centerstage at SM City Baguio
Next articleCA driver na nasangkot sa road rage, pinarusahan ng SC