Home OPINION DOLE, KAISA NG ADMINISTRASYON SA PAGSULONG NG “BAGONG PILIPINAS”

DOLE, KAISA NG ADMINISTRASYON SA PAGSULONG NG “BAGONG PILIPINAS”

KAISA ng administrasyon Marcos ang DOLE o Department of Labor and Employment sa pagsusulong ng “Bagong Pilipinas”, isang tatak ng pamamahala na nakatuon sa pagpapatupad ng inklusibong plano nito para sa pagbabagong pang-ekonomiya at panlipunan.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 24 na ang kampan­ya ay “nananawagan sa malalim at mahalagang pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan, at pinalalakas ang pangako ng Estado tungo sa pagkamit ng komprehensibong reporma sa mga polisiya at sa ganap na pagbangon ng ekonomiya.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ang PLEP o Philippine Labor and Employment Plan para sa taong 2023-2028 ang patunay sa pangako ng Kagawaran sa kampanyang ito.

Nakaayon sa Philippine Development Plan 2023-2028 at sa Eight-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon ni Pre­sident Ferdinand “BBM” Marcos Jr., ang PLEP na isang dokumento na inendorso ng tripartite at inaprubahan ng Pangulo na naglalayong pagbutihin ang produktibo at transpormatibong kapasidad ng ekonomiya at may tiyak na interbensyon para sa pag-unlad ng mga manggagawa.

Ang mga prayoridad, nilalayong resulta at estratehiya ng Kagawaran ay nakatuon sa tatlong pangunahing bahagi ng PLEP:  ang pagtataguyod ng trabaho at pag-unlad ng yamang-tao; ang proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa; at mga relasyon sa paggawa.

Bilang karagdagang kontribusyon sa tatak ng pamamahala ay ang mga nagawa ng Kagawaran noong nakaraang taon, partikular sa pagtataguyod ng kapaki-pakinabang na trabaho at pag-unlad ng yamang-tao, pagprotekta at pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, at pagpapanatili ng maayos na relasyon sa pagitan ng namumuhunan at manggagawa, gayun din ang kapayapaan sa industriya.

Trabaho at pagpapaunlad ng yamang-tao

Nitong 2023, natulungan ng DOLE ang humigit-kumulang 181,126 na mga kabataan na mabigyan ng karanasan sa trabaho sa pamamagitan ng SPES o Special Program for Employment Students, GIP o Government Internship Program, at JobStart Philippines Program.

Upang matugunan ang hindi pagkakatugma ng mga ka­sanayan at trabaho, namahagi ang Kagawaran sa 4.9 million na indibidwal ng mga napapanahon at makabuluhang mga information, education communication material tungkol sa kondis­yon ng merkado sa paggawa sa hinaharap.

Higit pa rito, mahigit 2.4 million kwalipikadong aplikante ang nabigyan ng trabaho sa pangangasiwa ng PESOs o Public Employment Service Offices, na 92% placement rate sa mga rehiyon.

Para naman sa pagsasanay at apprenticeship, mahigit 1.6 million indibidwal ang na-enroll sa iba’t ibang technical-vocational education at training program, at mahigit 1.3 million sa mga ito ang nakatapos sa iba’t ibang programa.

Samantala, humigit-kumulang one million na manggagawang may kasanayan, ang sumailalim sa pagtatasa, at 952,816 sa kanila ang napagkalooban ng sertipikasyon matapos nilang makamit ang competency standard.

Sa pangangasiwa ng PRC o Professional Regulation Commission, nakapagsagawa  ng 85 licensure examinations sa taong 2023 kung saan 301,000 ang nakapasa mula sa 596,999 na indibidwal ang sumailalim sa pagsusulit.

Previous articlePBBM umaasa sa pagpapalakas ng maritime cooperation s state visit sa Vietnam
Next articleDSWD, PAO PARTNERSHIP AIDS 321 INDIGENT CLIENTS