Home OPINION DOLE NAGDAOS NG KUMPERENSIYA  UKOL SA KALIGTASAN AT KALUSUGAN SA TRABAHO

DOLE NAGDAOS NG KUMPERENSIYA  UKOL SA KALIGTASAN AT KALUSUGAN SA TRABAHO

ISINAGAWA kamakailan ang 18th National Occupational ­Sa­fety and Health Congress sa Quezon City na nilahukan ng mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan, labor sector, academe, managers, at non-government organizations sa temang “Adap­ting to the Changing World of Work: Ensuring Safe and Healthy Workplaces for All”.
Maliban sa 200 participants na dumalo sa face-to-face sessions, nasa 5,000 ang lumahok sa pamamagitan ng Zoom app at 5,000 din sa pamamagitan ng Facebook.
Sa kanyang pananalita, binigyang-diin ni Department of Labor and Employment o DOLE secretary Bienvenido Laguesma na bagama’t nagkaroon ng pagbabago sa work arrangements dala ng pandemic ay mas lalong naging hamon sa kagawaran at sa mga occupational safety and health practitioners na mas lalong ipatupad ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Pagbibigay-diin pa ng kalihim, ang occupational safety and health laws ay isang “continuing process of learning, internali­zing, improving, innovating and adapting” kaya higit na kaila­ngang patibayin ang risk management capabilities at paigtingin pa ang kooperasyon para sa isang ligtas at malusog na lugar paggawa.
Ang NOSH Congress ay taunang pagtitipon ng mga occupational safety and health practitioners kung saan ay pinag-uusapan ang iba’t ibang isyu at best practices na nagsimula pa noong taong 1990.

MANILA WATER LIBRENG SEPTIC TANK DESLUDGING CARAVAN
IPINAAALAM ng Manila Water Company sa mga sineserbisyuhan nitong lugar na kinabibilangan ng Makati, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, bahagi ng Maynila at Parañaque, at mga bayan at lungsod ng lalawigan ng Rizal – Angono, Antipolo City, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Montalban, Morong, Pililia, San Mateo, Tanay, Taytay, at Teresa, na tumawag sa Manila Water Consumer Help Desk na “1627” para sa iskedyul ng pagbisita sa inyong lugar ng “Desludging Caravan” na kasama ang free septic tank siphoning o direktang magtanong sa inyong Barangay.

Previous articleTestigo na papabor kay De Lima, ibinalik sa NBP
Next article‘No Permit, No Exam Policy Ban’ Pampapogi Lang (Part 2)