Home NATIONWIDE DOLE naglabas ng P4.7M ayuda sa TUPAD beneficiaries sa Negros

DOLE naglabas ng P4.7M ayuda sa TUPAD beneficiaries sa Negros

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, Enero 27 ng P4.7 million ng financial assistance sa 960 beneficiaries mula sa Negros Oriental provincial capital sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng ahensya.

Ang payout ay kauna-unahan sa Negros Oriental ngayong taon. Ito ay idinaos sa Dumaguete City National High School gymnasium.

Nagmula ang alokasyong ito sa opisina ni Senador Bong Revilla Jr., na dumalo sa event.

Nangako naman si Mayor Felipe Antonio Remollo na magdadala pa ng mas maraming ayuda mula sa pamahalaan para sa mga kwalipikadong residente ng lungsod.

Sinabi naman ni Rubie Cempron, focal person ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program sa lungsod, na ang payout ay para sa nga benepisyaryo na nagtrabaho ng 10 araw noong Disyembre 2023 sa paglilinis ng mga kalsada, kanal at iba pa.

Ani Cempron, ang mga benepisyaryo ay sinusuri ng mga opisyal ng barangay at ipinapasa ang pinal na listahan sa local government unit na hihingi ng financial assistance.

Maaari ring mag-apply sa TUPAD enrollment ang mga senior citizen basta’t ang mga ito ay may medical certificate mula sa doktor na sila ay “fit to work.” RNT/JGC

Previous article#WalangTubig sa ilang bahagi ng Maynila, QC, Rizal mula Jan. 29 ‘gang Feb. 1
Next articleDaniel, sa condo nakatira!