Home METRO DOLE namahagi ng P4.5M tulong 6 abaca farmers’ groups

DOLE namahagi ng P4.5M tulong 6 abaca farmers’ groups

MANILA, Philippines- Binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng halos P4.5 milyong halaga ng livelihood assistance ang anim na abaca farming associations sa lalawigan ng Catanduanes.

Sinabi ni Eduardo Lovedorial, pinuno ng DOLE-Catanduanes, bahagi umano ito ng Integrated Livelihood Program ng departamento, na naglalayong paghusayin ang socioeconomic circumstances ng mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga ito ang Sto. Niño Abaca Farmers Association sa Virac na nakatanggap ng P497,980; Genitligan Abaca Farmers Association sa Baras na mayroong P492,380; at ang Bayanihan Abaca Farmers Association in Caramoran na mayroong P494,620.

Bukod dito, kapawa nakatanggap ang Salvacion Abaca Farmers sa Bagamanoc, San Miguel Abaca Farmers and Traders Association sa Panganiban, at ang SLP Tariwara Agricultural Farmers Livelihood Association sa Pandan ng tig-P999,992.

Inihayag ni Lovedorial na bilang parte ng kanilang two-year monitoring, madalas silang bibisita  abaca farmers’ organizations. RNT/SA

Previous articleItinulak ni Bong Go sa Senado: PATULOY NA OPERASYON NG OFW HOSPITAL
Next articleComelec naglabas ng alituntunin sa paglilipat sa Taguig ng 10 barangay mula Makati