Home NATIONWIDE DOLE sa private companies: Magpatupad ng WFH

DOLE sa private companies: Magpatupad ng WFH

MANILA, Philippines- Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kompanya na magpatupad ng work-from-home (WFH) arrangements sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang WFH ay hindi lamang makakabawas sa panganib sa pagkalat ng virus sa lugar ng trabaho ngunit para mailayo rin ang pamilya ng mga manggagawa na sa sakit.

Aniya, ito ay posible sa ilalim ng Telecommuting Act.

“Hindi tayo pwede magdikta. Pero sa ating sariling pakiramdam, kung may sintomas, magpatest ng voluntary,” anang kalihim.

Samantala, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez na nauna na silang naglabas ng labor advisory tungkol sa work-from-home arrangement.

“Inissue namin yun para magbigay ng guidance sa mga employers at workers in case mag implement ng flexi work arrangement. Para alam ng empleyado at employers ang rights and obligations. Matagal na yan, management prerogative yun” sabi ni Benavidez.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na hindi pa sila nakatanggap ng ulat ng kaso ng COVID-19 sa lugar ng trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCSC may paalala sa civil servants ngayong holiday season
Next articlePutin: Russia handang makipag-usap sa Ukraine