DOLE, tiniyak ang ayuda sa local, overseas workers vs. COVID-19

DOLE, tiniyak ang ayuda sa local, overseas workers vs. COVID-19

March 26, 2020 @ 8:59 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maayudahan ang mga local at overseas workers na apektado ng COVID-19 global pandemic.

Muli namang hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employers sa pribadong sektor na mag-apply sa DOLE’s COVID-19 Adjustment Measure Program o CAMP na nag-aalok ng [one time] P5,000 financial support sa mga empleyado ng mga kompanya o bussiness establishments na nagpatibay ng kakayahang umangkop sa pag-aayos ng trabaho o pansamantalang pagsasara dahil sa COVID-19 pandemic.

Upang makakuha ng nasabing ayuda, kailangang magsumite ang mga employer ng kanilang company payroll noong Pebrero o mas maaga bago ipatupad ang inplimentasyon ng flexible working arrangements o temporary closure.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga establisyimento na idownload ang “Establishment Report of COVID Form” at iba pang may katuturang isyu sa DOLE’s COVID-19 Mitigating Measures: https://www.dole.gov.ph/covid-19-mitigating-measures/?fbclid=IwAR36DxkqbmS4Dm9SRIPAV40J2BtG20xFzIwT29Dal609vA7ZaZRFnDyjKDs

Ang form ay available naman sa lahat ng DOLE regional offices’ websites at official Facebook pages.

Maaari itong isumite sa pamamagitan ng email sa DOLE regional o field office sa kanilang lugar.

Para naman sa mga informal sector workers, magpapatupad ang DOLE ng emergency employment assistance sa pamamagitan naman ng TUPAD BKK program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers – #Barangay Ko Bahay Ko.

Makatatanggap ng daily minimum wage para sa 10 araw ang mga kwalipikadong beneficiaries sa pagdisinfect ng kanilang bahay at bisinidad.

Ang disinfection ay gagawin sa koordinasyon ng local health offices para sa kaligtasan .

Bukod sa arawang sahod , makakakuha din ng personal accident insurance ang mga manggagawa , personal protective equipment at cleaning kit.

Ipatutupad ang TUPAD #BKBK sa pamamagitan ng  barangay/local government units.

Upang makuha naman ang ayuda, kailangan namang magsumite sa pinakamalapit na DOLE field o regional offices ang LGUs ng work program at beneficiary profile form.

Para sa overseas Filipino workers na apektado ng pandemic, magbibigay naman ang DOLE ng [one time] P10 libong piso tulong.

Kailangan lamang magsumite ng kanilang certificate of employment na inisyu ng kanilang ahensya.

Ang kanilang aplikasyon ay dadaan sa evaluation at proseso ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) o Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Pinayuhan naman ang mga OFWs na makipag-ugnayan sa POLO kung saan bansa sila naroon o bumisita sa pinakamalapit na OWWA regional office kung sila ay kasalukuyang nasa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...