Home ENTERTAINMENT Dom at Chard, gumimik!

Dom at Chard, gumimik!

Manila, Philippines- May kasabihang: “Misery loves company.”

Ewan nga lang kung angkop ang linyang ito bilang paglalarawan sa magtropang sina Richard Gutierrez at Dominic Roque.

Both members of the gang Euromonkeys, kamakailan ay gumimik sila kasama ang dalawa pang co- members na sina Dingdong Dantes at Kim Atienza.

The four guys had a picture posted together on Instagram.

Ito’y kung saan umattend sila ng kaarawan ng isa pa nilang co-Euromonkey member.

Bale ba, the four guys’ cool bonding came after pumutok ang balitang officially split na si Dominic at ang nobya nitong si Bea Alonzo.

Kung sisipatin, tila itsura ng isang masayahing guy si Dom na pilit nagmu-move on from a heaetbreak.

Coincidence namang halos iisa ang karanasan nila ni Richard na balitang hiwalay na rin sa asawang si Sarah Lahbati bagama’t walang diretsahang pag-amin mula sa kanilang dalawa.

This is as opposed to Bea and Dominic who previously released a joint statement confirming their breakup.

Umabot daw ‘yon sa ganoong desisyon, however leaving the netizens baffled as to the cause of their breakup.

Just recently, may nakapansin sa litrato ni Dom na nakangiti, prompting the netizens to think that he’s slowly on the road to recovery.

Puro positibo rin ang mga comments ng netizens sa kanyang social media account.

Matatandaang kapwa pinalagan nina Bea at Dom na nauna pang kumalat ang kanilang breakup nang walang pahintulot mula sa kanila. Ronnie Carrasco III

Previous articleGabby, na-bash sa concert with Ai Ai!
Next article301st IB nangako, 2 NPA fronts sa Panay dudurugin