Home ENTERTAINMENT Dom, nasa harap ng bahay ni Bea, nag-aabang!

Dom, nasa harap ng bahay ni Bea, nag-aabang!

Manila, Philippines- Malakas ang pakiramdam ni Ogie Diaz na posibleng magkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Dito sumentro ang paksang tinalakay nila ng kanyang mga kasama sa kanyang programang Showbiz Update.

Inilahad kasi ni Ogie ang ipinamamalas na pagtitiyaga ni Dominic sa panunuyo nito sa dating nobya.

Sa katunayan, ilang gabi na raw nasa harap ng bahay nina Bea si Dominic.

Nasa loob lang daw ito ng kanyang sasakyan, bukas ang makina.

Wala raw pagkainip na hinihintay ni Dom ang pagdating ni Веа.

Taliwas ito sa mga ulat na naka-move on na si Dom mula sa kanilang breakup.

Dahil doon ay malakas ang kutob at paniniwala ni Ogie na sa balikan mauwi ang scenario na dapat abangan sa dating magkasintahan.

Ginamit na halimbawa ni Ogie noong mga panahong hindi pa nagiging nobyo ni Michelle Vito ang masugid niyang manliligaw na si Dom.

Ayaw na ayaw daw kasi ng ina ni Michelle si Dom para sa anak.

Kaso, obyus na nag-iba ang ihip ng hangin nang maging sila.

Salamat din sa ipinakitang patience ni Dom na matiyagang naghihintay kay Michelle sa labas ng La Salle, ang eskuwelang pinapasukan nito.

As we all know, ang nobyo na ngayon ni Michelle ay si Enzo Pineda.

Tulad ni Dom noon habang nililigawan si Michelle, Ogie is convinced that Dom’s patience and persistence with Bea in winning her over might pay off.

Aber, that’s worth looking forward to lalo’t walang katotohanan ang tsismis na nali-link si Dom sa mga kapwa lalaki! Ronnie Carrasco III

Previous article41 probinsya sapul sa El Niño
Next articleSabi ng feng shui expert: Kim at Paulo, di swak!