Home NATIONWIDE Donald Trump guilty sa pamemeke ng dokumento

Donald Trump guilty sa pamemeke ng dokumento

UNITED STATES – Guilty si dating US President Donald Trump sa pamemeke ng dokumento upang pagtakpan ang pagbabayad nito para patahimikin ang isang porn star bago ang 2016 election.

Matapos ang dalawang araw na deliberasyon, inanunsyo ng 12-member jury na nakita nilang guilty si Trump sa lahat ng 34 counts na kinakaharap nito.

Required ang unanimity para sa anumang hatol.

Itinakda ni Justice Juan Merchan ang pagsisentensya sa July 11, tatlong araw bago ang pagsisimula ng Republican National Convention kung saan inaasahang inonominate ng mga ito si Trump bilang pangulo.

Nagpasalamat naman si Merchan sa mga juror para sa kanilang serbisyo.

“Nobody can make you do anything you don’t want to do. The choice is yours,” ani Merchan.

“This was a disgrace. This was a rigged trial by a conflicted judge who is corrupt,” tugon naman ni Trump sa hatol.

“The real verdict is going to be Nov. 5 by the people,” sinabi ni Trump, sabay sabing “I am a very innocent man.”

Mahaharap si Trump sa maximum sentence na apat na taon sa bilangguan, bagamat ang ibang mga nahahatulan ng kaparehong krimen ay nakatatanggap ng mas maikling sentensya, multa o probation. RNT/JGC