Home ENTERTAINMENT Donita Nose, ilo-launch ni Direk Vince!

Donita Nose, ilo-launch ni Direk Vince!

341
0

Manila, Philippines – Sa launching ng Vince Tanada Artist Management o VITAM ay pinakilala ang mga bagong artist ng nasabing agency kasama na rin ang Tv host at komedyanteng so Donita Nose.

Pinangunahan ito ng head ng VITAM na si direk Vince.

In-announce din sa event na yun ang launching movie ni Donita.

“Yes. Ako I always believe na as a director, ang film kasi is a collaboretive form of art. Napatunayan naman nina Donita na ako, nagtatanong ako, open sa idea kaya magko-collab kami sa kanyang launching movie.

“Sinabi ko kay Donita na may ipo-produce ako, ilo-launch ko siya sa film.

“Sabi ni Donita, yung story sa kanya manggagaling, walang problema.

“If you will ask me kung sino ang pinakamaganda niyang leading man, si Tekla,” seryosong sabi ni direk Vince.

May mensahe din naman si Donita para kat direk Vince.

“Parang hindi manager si direk Vince, friend talaga siya.

“Once lang kami nag-meet pero nagkagaanan kami agad ng loob.

“Tsaka sino ba ang hindi makaka-okay kay Direk, gwapo, fresh at sobrang supportive, yan si Direk,” sabi pa niya.

Ano naman ang reaksyon ni Donita na si Tekla ang kanyang magiging leading man?

“Si Tekla, gamay ko na, so okay ako.

“Kung kailangan namin maglaplapan ni Tekla, gagawin namin yun,” sey niya. JP Ignacio

Previous articlePH, US militaries magsasagawa ng 500 bilateral engagements sa 2024 – AFP
Next article2 tiklo sa P2.9M shabu

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here