Home ENTERTAINMENT Donny, pinaghahanda sa banat ni Rendon!

Donny, pinaghahanda sa banat ni Rendon!

Manila, Philippines – Nitpicking.

Sa salitang Ingles, ito ang angkop na katawagan sa ginagawa ng social media personality na si Rendon Labador sa mga napagtitripan niyang personalidad sa showbiz.

As in Rendon can be fussy in finding faults in anyone.

As such, matatawag ngang nitpicker si Rendon.

Hinuhulaan na ng mga netizens ang posibleng susunod niyang pipintasan: si Donny Pangilinan.

Ilang litrato ang ibinahagi ng Star Creatives na kuha sa taping ng teleseryeng Can’t Buy Me Love.

Donny and Belle Mariano topbill the upcoming series on ABS-CBN.

Sa isang larawan, makikitang nagmamaneho si Donny ng sidecar sa mataong Divisoria na may sakay na mga kalakal.

Post ng isang concerned netizen: “Humanda ka, Donny. Bukas na bukas din, ikaw naman ang babanatan ni Rendon!”

Nabulabog kasi ang Divisoria sa lakas ng presensya ni Donny.

Ibinase ng netizen ang kanyang post sa sinapit din ni Coco Martin at production team ng Batang Quiapo.

Dahil sa Quiapo ang setting, nabalitang malaking abala raw ang taping ng BQ doon sa mga naghahanapbuhay na vendors.

Sa halip daw kasing kumita ang mga vendors doon ay sagabal ang mga taong nanonood ng taping.

Itinanggi naman ni Coco ang paratang ni Rendon. Ronnie Carrasco III

Previous articleDirek Ruben, bumalik sa first love!
Next articleHabagat makaaapekto sa South Luzon, VisMin