Home OPINION DOT AT NCIP MAGTUTULUNGAN SA PROTEKSYON AT KAUNLARAN NG MGA KATUTUBO

DOT AT NCIP MAGTUTULUNGAN SA PROTEKSYON AT KAUNLARAN NG MGA KATUTUBO

104
0

LUMAGDA sa isang MOA o memorandum of agreement sina DOT o Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at NCIP o National Commission on Indigenous People chairperson Allen Capuyan kaugnay sa implementasyon ng Katutubo-KAPWA Project.

Ang Katutubo-KAPWA project ay isang pambansang inisyatiba para makuha ang suporta ng mga pangkat katutubo sa bansa para sa turismo, lalo sa mga lugar na napapaloob sa mga ancestral domain sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay DOT Secretary Frasco, sumasalamin ang programa sa hangarin ng kagawaran na ibandila at kilalanin ang sining, kultura at kalinangan ng mga katutubo at mabigyan sila ng pagkakataon para sa kanilang ekonomikong kaunlaran.

Target din ng Katutubo-KAPWA project na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga katutubo sa pamamahala sa kani­lang lokal na turismo na sasabayan ng pagkakaroon ng mga kinakai­langang imprastraktura.

Isang TWG o technical working group ang binuo kapwa ng DOT at ng NCIP para subaybayan ang implementasyon ng programa.

Ikinatuwa naman ng NCIP ang pagtutulungan nila ng DOT para sa kapakanan ng mga katutubo, at ang pagbibigay proteksyon sa si­ning, kultura at kalinangan ng mga pangkat etniko sa buhay.
Sa ilalim ng Katutubo-KAPWA project, magkakaloob ang DOT ng tourism-related capacity building, capacity development, infrastructure projects, product development, at iba pang programang may kaugnayan sa turismo.

Kabilang din ang promosyon ng kanilang ancestral domain na may pagsang-ayon ng mga katutubo alinsunod sa probisyon ng IPRA, at pondo para sa programang may kaugnayan sa kabuhayan at paglikha ng trabaho.

Nais din ng kagawaran na tutukan ang promosyon ng mga malikhaing produkto ng mga katutubo para sa lokal at internasyunal na pamilihan.

CSC RECORDS THROUGH COURIER SERVICE
NAIS ipagbigay-alam ng CSC o ng Civil Service Commission, na naging epektibo na simula nitong August 22, 2023, araw ng Martes, na mayroon nang kaukulang bayad ang mga kahilingan para sa mga CSC records through courier service.

Napagkasunduan ng CSC na kumuha ng serbisyo ng isang cou­rier service company para maseguro na nakararating ang dokumento sa nangangailangan nito.

Kung nasa National Capital Region, nasa Php 160 ang bayad habang Php 185.00 sa ibang bahagi ng Luzon, Php205.00 para sa mga nasa Visayas at Mindanao, at Php 215.00 para sa mga island cities o municipalities.

Previous article102 ex-MILF, MNLF fighters nagsimula na sa police training sa BARMM
Next articleBUCOR TO HASTEN CONSTRUCTION OF PRISON FACILITIES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here