MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Tourism’ (DoT) na ang bagong kampanya nito na susunod sa “It’s More Fun in the Philippines,” ay nakatuon sa assets ng bansa na hindi pa nama-maximize gaya ng kultura at mamamayan nito.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, ang bagong kampanya ay kasalukuyan nang tinatrabaho kasama ang ahensiya na nagsasagawa ng market study ukol sa umiiral na kampanya kasama ang global trends sa travel at tourism kasunod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Kalihim na pino-promote ng pamahalaan ang tourist destinations sa bansa pamamagitan ng “It’s More Fun in the Philippines” campaign simula pa noong 2012.
“The enhanced tourism slogan will give our country an opportunity to market itself not just as a fun destination, which it will continue to be, but also as a destination for everything else that includes highlighting our culture and our people,” ayon pa rin kay Frasco.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Frasco na ang bagong slogan ay maaaring ipalabas “in the next few weeks,” kasunod ng pag-apruba ng National Tourism Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028.
Tinukoy ang data mula sa tourism-related publications, sinabi ni Frasco na ang “trends” matapos ang COVID-19 lockdowns ay nagpapakita na ang mga byahero at turista ay nais ngayon na magkaroon ng “substantive, immersive, at authentic cultural experiences.”
“We are now in the process of enhancing; there are so many aspects of Philippine tourism that go beyond fun,” ayon sa Kalihim sabay sabing ang industriya ay hindi nakabatay sa kampanya lamang dahil kailangan din ang product development.
Advertisement