Home NATIONWIDE DOTR, LTFRB pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ng transport groups vs PUV...

DOTR, LTFRB pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ng transport groups vs PUV modernization

MANILA, Philippines – Bigo ang public utility jeepney operators and transport groups sa pangunguna ng PISTON na makakuha agad ng Temporary Restraining Order hinggil sa ipatutupad na modernisasyon ng jeepney at ang deadline ng franchise consolidation.

Sa halip, inatasan ng Supreme Court ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maghain ng komento kaugnay sa Petition for Certiorari and Prohibition with Urgent Application for a Temporary Restraining Order [TRO] and/or Writ of Preliminary Injunction na inihain ng PISTON.

Batay sa inilabas na Order ng SC kailangan isumite ng mga respondent ang kanilang sagot sa petisyon sa loob ng sampung araw.

Ipinag-utos rin ng SC sa DOTr at LTFRB na personal na isumite sa Korte ang kanilang komento.

Sa direktiba ng Korte Suprema, kailangan personal na ibigay ng Process Serving Unit ng Office of the Clerk of Court En Banc ang Order ng SC sa bawat petitioner.

Magugunita na noong Disyembre 19 nang maghain ng petisyon sina Modesto T. Floranda (PISTON Chairperson), Edwin P. Mabazza, Jason M. Fajilagutan, Gaylord F. Despuez (Bayan Muna Party- List Coordinator), Edrich John B. Samonte (Para-Advocates for Inclusive Transport member), Elmer P. Forro (No to PUV Phaseout Coalition member), at Ma. Flora-May M. Cerna (Komyut Spokesperson) na humihiling na ipatigil at ideklarang walang bisa ang mga DOTr at LTFRB issuances na Department Order (DO) 2017-011, Department of Transportation (DOTr) na Omnibus Franchising Guidelines (OFG), at ang franchise consolidation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpapaso na sa Disyembre 31, 2023.

Nakasaad sa petisyon na labag sa constitutional right, freedom of association ang mandatory consolidation requirement.

“The constitutionally guaranteed freedom of association includes the freedom not to associate. The Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) requires operators to consolidate their individual franchises into a single franchise under a cooperative or corporation. [The right to freedom of association] does not include the right to compel others to form or join [an association],” ayon sa p├ętition.

Ayon kay Piston National President Mody Floranda, ang pagbawi sa prangkisa dahil sa hindi pagsali sa coop ay labag sa karapatan ng mga drayber at operator.

Pagkakaitan aniya sila ng kabuhayan dahil lamang sa hindi nila pagsali sa mga coop. Teresa Tavares

Previous articleKampo ng Chinese vessel, Filipino boat na sangkot sa Mindoro incident nagkasundo na
Next article4 iba pang tanker na may unmarked fuel tinutunton ng BOC