Home NATIONWIDE DOTr, ‘palpak’ na PUV modernization tatalupan ng Senado

DOTr, ‘palpak’ na PUV modernization tatalupan ng Senado

MANILA, Philippines- Nakatakdang talupan ng Senado ang Department of Transportation (DOTr) sa “pumapalpak” na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUMP) dahil sa pinapaburan ang pagbili sa imported jeep mulang China kaysa gawa sa lokal na kompanya.

Sinabi ni Senador Imee Marcos na layunin ng Senate Resolution No. 893 na paiimbestigahan ang PUV Modernization Program na umaani ng pagbatikos at kritisismo sa maraming sektor ng driver at operator kabilang ang consolidation ng prangkisa na lubhang hindi kakakayanin.

Binigyan ng DOTr hanggang katapusan ng Enero 2024 ang jeepney driver na tumupad ang consolidation  requirement sa ilalim ng modernization program kundi mawawalan ng pagkakataon makasama sa programa.

“For traditional jeepney drivers and operators, the deadline is too close for comfort to comply with the consolidation requirements such as the necessary documents, membership fees in cooperatives, funds to secure stocks in corporations, and other prerequisites,” ayon kay Marcos.

“Moreover, membership fees in cooperatives or stocks in corporations are a heavy burden to some drivers and operators of PUVs,” dagdag niya.

Aniya, maraming jeepney operator at drivers ang hindi lumalahok sa  consolidation program — kaya kailangan imbestigahan ang isyu upang maintindihan kung bakit binabalewala ng transport sector ang naturang pangangailangan.

“The alarming number of PUVs that fail to consolidate is one of the factors that require attention as it will also have an adverse impact on commuters and the country’s public transportation,” paliwanag niya.

“Given the above-mentioned concerns and issues, the government and the PUV stakeholders should continue dialogues to find a win-win solution. The country can ill-afford a transport crisis, especially that the economy is still recovering from the impact of the pandemic,” dagdag ng senadora. Ernie Reyes

Previous articlePagsita sa overloaded truck, trailer patuloy na tututukan ng LTO
Next articleDEBOSYON SA POONG NAZARENO (Part 2)