Home NATIONWIDE DOTR pumirma ng kasunduan sa pagprotekta sa mga bata sa road accidents

DOTR pumirma ng kasunduan sa pagprotekta sa mga bata sa road accidents

MANILA, Philippines – Pumirma ng memorandum of understanding siTransportation Secretary Jaime Bautista nitong Lunes, Disyembre 18 kasama ang iba’t ibang ahensya para gawing pormal ang National Coalition for Child Road Traffic Injury Prevention (NC-CRTIP) na poprotekta sa mga bata mula sa road accidents.

Pinirmahan ni Bautista ang kasunduan kasabay ng paglulunsad ng 2023 Global Status Report on Road Safety (GSRRS).

“The goal is for road safety measures to become an integral component of different policy agendas such as child health, climate action, gender, and equality,” saad sa pahayag ni Bautista.

Kasama ng DOTR sa pagpirma sa kasunduan ang Department of Education, Department of Health, Department of Public Works and Highways, Council for the Welfare of Children, at Metropolitan Manila Development Authority.

Ang mga batas, inisyatibo at polisiya na magpapakilala sa road safety sa adult at child road users ay magdudulot ng pagbaba sa road crashes hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Ayon sa 2023 GSRRS, mahigit 12,000 Filipino ang namamatay sa road traffic crashes kada taon mula 2015 hanggang 2019.

Sa kaparehong report, makikita na ang road crashes ang numero unong dahilan ng kamatayan ng mga Filipino edad 15 hanggang 29.

Pasok din ito sa top 10 leading causes of death sa mga batang Filipino edad lima hanggang 14 anyos.

Ang NC-CRTIP ay isang multi-sectoral partnership na binubuo ng 45 miyembro na nagrerepresenta sa national government agencies, civil society organizations, academe, at private sector.

Layunin ng NC-CRTIP na bawasan ang road traffic crashes sangkot ang mga bata, partikular na ang mga bumibiyahe patungo sa mga paaralan. RNT/JGC

Previous articleHigit 250 homeless individuals nakatanggap ng regalo sa ‘LAB for All’ sa Mandaluyong
Next articleKamara nakiramay sa nasawing sundalo sa Batangas clash