Home NATIONWIDE DPWH execs nakipagpulong sa int’l agencies sa infrastructure conference sa SoKor

DPWH execs nakipagpulong sa int’l agencies sa infrastructure conference sa SoKor

MANILA, Philippines – Nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba pang international agencies at kompanya sa Global Infrastructure Cooperation Conference (GICC) 2023 nitong Martes at Huwebes, Setyembre 21 sa South Korea.

Ang mga opisyal ng bansa sa nasabing aktibidad ay sina DPWH secretary Manuel Bonoan, senior undersecretary Emil Sadain, kasama ang DPWH Unified Project Management Office operations project directors Ramon Arriola III at Benjamin Bautista, ayon sa inilabas sa Facebook page ng ahensya.

Sila ay nakipagpulong kay South Korean Minister of Land, Infrastructure, and Transport Hee-ryong Won, gayundin sa iba pang mga infrastructure leaders sa buong mundo sa mga bilateral meetings.

Ang public at private sectors sa South Korea ang host sa 2023 GICC na naglalayong bumuo ng forum para sa mga isyu sa imprastraktura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMalakanyang, tahimik sa anibersaryo ng Martial Law
Next articleP6.5M marijuana sinunog sa 2-day operation