DPWH KATUWANG NG TAUMBAYAN NGAYONG KRISIS

DPWH KATUWANG NG TAUMBAYAN NGAYONG KRISIS

June 29, 2020 @ 2:36 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Hindi naging magarbo ang ika-122 anibersaryo ng DPWH noong Hunyo 23 dahil sa umiiral na social distancing dulot nitong lumalalang pandemya sa buong mundo.

Dahil dito, ipinag-utos ni Sec. Mark Villar sa mga Regional at District na opisina sa bansa ng naturang kagawaran na gawing simple ang selebrasyon taliwas sa nakasanayang magastos at bonggang pagdaraos nito.

Ano nga ba ang mga nagawa ng ahensyang ito sa mga kababayan natin mula nang sumiklab ang nakamamatay na virus?

Kung matatandaan natin, ang mga kawani nito ang nag-disinfect sa lahat ng uri ng sasakyan sa entry points ng bawat lalawigan, syudad at bayan noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya naibsan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na sa mga liblib na lugar.

Silang mga frontliner din ang katulong ng LGUs sa pagsasaayos at paghahanda ng mga pampublikong eskwelahan at istrukturang ginamit bilang quarantine at isolation facility para sa ilang PUI.

Ang pagsasagawan gayon ng off-site dormitories ng mga doktor, nurse at medical professional ay tinatrabaho rin ng mga kawani nito upang mabigyan silang mga health worker ng lugar para makapagpahinga matapos ang halos walang tulugang pag-aasikaso ng mga pasyenteng  nahawaan ng naturang sakit.

Maging ang wards ng Philippine General Hospital (PGH) at patient monitoring system ng Lung Center of the Philippines ay agarang naisaayos ng isang grupo ng mga trabahador na ipinadala ni Sec. Villar.

Natengga man noong ECQ ang ilang malalaking proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build na programa ni Tatay Digong, balik-trabaho na ngayon ang construction workers na pansamantalang nawalan ng hanapbuhay upang maihabol sa target date of completion, kabilang ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway at iba pang dambuhalang istraktura ng DPWH.

Maituturing na “unsung heroes” ang mga kawaning ito sa patuloy na laban ng gobyerno sa COVID-19.

Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa 09999388537/email normanlaurio17@gmail.com.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...