MANILA, Philippines – Inatasan na rin ni Department of Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan ang pagsasa-aktibo ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Teams ng DPWH Regional at District Engineering Offices (DEOs) para sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar sa Philippine Area of Responsibility ngayong Biyernes, Mayo 26.
“Our quick response assets composed of maintenance crew with equipment are now strategically prepositioned along national roads to respond to possible road closures and obstructions,” sabi ni Bonoan.
“Earlier, Regional and DEOs were also instructed to prune trees, declog drainage and clear waterways to prevent/mitigate road accidents and flooding on the onset of the typhoon,” dagdag pa ng opisyal.
Bilang standard procedure, dapat bantayan at i-report ng quick response teams ang status ng national roads at mga tulay.
Inatasan din silang linisin ang mga national roads mula sa road obstruction, tukuyin ang mga alternatibong ruta upang masiguro na hindi hadlang sa paghahatid ng mga kalakal at serbisyo, magbigay ng pansamantalang istraktura upang maibalik muli ang mobility kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden