Home METRO Draft rules sa paggamit ng bodycams sa traffic apprehensions, inilatag ng MMDA

Draft rules sa paggamit ng bodycams sa traffic apprehensions, inilatag ng MMDA

242
0

MANILA, Philippines- Ikinasa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang initial guidelines nito sa paggamit ng body-worn cameras kapag sumisita ng traffic violators.

Ipinaliwanag ni Victor Trinidad, Officer-in-Charge ng MMDA’s Office of the Assistant General Manager for Planning, sa stakeholders nitong Miyerkules na magsisimulang mag-record ang mga kamera kapag dumating na ang traffic enforcer sa area of operation niya.

Tiniyak ni MMDA chairman Don Artes na hindi mapapatay ng traffic enforcers ang camera upang maiwasan ang mga insidente ng bribery at extortion.

“Ang purpose po nito, unang-una, ay para maiwasan yung korapsyon, yung pangongotong. Pangalawa, proteksyon po ito sa mga nagmamaneho dahil kung sakaling sa palagay ng ating mga motorista na hindi tama yung pagkakahuli sa kanila, even yung manner ng pagkakahuli sa kanya ay pwede pong magamit na ebidensiya itong mga footages na ito para sa pagcontest sa paghuli sa kanila,” sabi ni Artes.

Rekisitos din sa traffic enforcers na magsagawa ng full disclosure sa mga motorista.

Ani Trinidad, kapag sumisita ng violators, dapat munang magpakilala ng enforcers, ilahad ang kanilang lokasyon at traffic violation, at abisuhan ang motorista na nka-record ang kanilang pag-uusap at binabantayan sa MMDA Command and Coordinating Center.

Ikinatuwa naman ng transport groups ang planong paggamit ng body cameras.

Ani Jojo Martin ng Pasang Masda, kapag tuluyan nang naipatupad ang plano, hindi na kailangan ng No Contact Apprehension Policy.

Binigyan ng MMDA ang lahat ng stakeholders ng isang linggo para magsumite ng komento at suhestiyon ukol sa guidelines.

Sabi ni Artes, target nila na maisumite ang final guidelines sa Metro Manila Council sa Setyembre.

Sa kasalukuyan, nakabili na ang MMDA ng 120 body-worn cameras. Balak nilang bumili ng mas marami bago ituloy ang implementasyon.

Sinabi ni Artes na naglaan ng P24 milyon para sa proyekto.

Ang body cameras ay may battery life na walong oras na katumbas ng isang shift ng traffic enforcer. RNT/SA

Previous articleEmmanuel Ledesma Jr. bagong PhilHealth chief
Next articleH5N1 virus sa mammals binabantayan ng WHO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here