Home HOME BANNER STORY Draft sa PH-Vietnam rice deal halos tapos na

Draft sa PH-Vietnam rice deal halos tapos na

MANILA, Philippines – HALOS tapos na ang ‘draft’ para sa rice trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Layon nito na tiyakin ang suplay ng bigas sa Pilipinas.

“From what I understand, there is no real agreement in that Indonesian meeting but there was… no agreement signed meaning… but there was an agreement to draft the MOA or MOU and we were given instructions, when we were in the ASEAN meeting in Japan, by the President to draft, finalize the MOA with Vietnam,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa press briefing sa Malakanyang.

“So that pagdating ng trip this coming end of January, state visit to Vietnam, mapirmahan na and we have the working draft na, almost done na,” ayon pa rin kay Laurel sabay sabing nakatakda ang state visit ng Pangulo sa Vietnam sa pagtatapos ng buwan.

Aniya, magagarantiya ng kasunduan na magsu-suplay ng bigas ang Vietnam sa Pilipinas kahit pa sa panahon ng kalamidad.

Matatandaang, sa naging pagdalo ng Pangulo sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, kapuwa nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na isapinal ang rice trade agreement na magiging epektibong sa loob ng limang taon.

Sinabi naman ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh na tatapusin ng dalawang bansa ang “an inter-government agreement on rice trade so that our rice export to the Philippines will ensure food security in the Philippines.”

“We look forward to having a stable framework of cooperation on rice trade for a long period of at least five years,” ayon kay Pham. Kris Jose

Previous articleImbestigasyon ng Italy sa Milan-based immigration consultancy na nang-scam ng 300 Pinoy, magsisimula na
Next articleKim, sinampal ni Maricel, sinuhulan!