Home SPORTS Dragon Boat bisita sa TOPS

Dragon Boat bisita sa TOPS

MANILA, Philippines – Kaganapan  sa mundo ng dragon boat ang bibigyan ng pansin at pagkilala sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Hulyo 27) sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate,Manila.

Tampok na panauhin sa lingguhang programa ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ang mga opisyal at premyadong atleta ng Philippine Dragon Boat Federation sa pangunguna ni PDBF president Atty. Jay Pee Villanueva.

Makakasama ni Villanueva sina Ma. Annabelle Tario, coach ng Elite Senior Team, gayundin sina Isaiah James Quipit, co-captain ang Elite Men’s Crew at Marjorie Duran, co-captain ng Elite Women’s Crew.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo  ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na makilahok sa program ana mapapanood din via livestreaming sa opisyal Facebook page TOPS Usapang Sports at sa Channel 8 ng pinakabagong mobile app broadcast network Pinoy Ako (PIKO).

Previous article#WalangKuryente sa bagyong Egay
Next articleParokya ni Edgar the Musical, mapapanood sa 2024!