Home METRO Dragon tattoo ng pugot na bangkay sa Carmona ginagamit ng sindikato sa...

Dragon tattoo ng pugot na bangkay sa Carmona ginagamit ng sindikato sa Tsina – PAOCC

MANILA, Philippines – Sinabi ng opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang dragon tattoo na nakita sa pugot na bangkay sa Carmona, Cavite ay tattoo na ginagamit ng isang sindikato sa Tsina.

“‘Yung dragon tattoo po, ang pagkaka describe po sa akin ng mga counterparts natin, mga foreign counterparts ay grupo po talaga ng mga sindikato sa China,” ani PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz sa pahayag sa radyo.

“And ang sabi nila is— kasi nung tinignan ko po yung tattoo nung nag punta kami sa area, sabi ko, ‘Hindi gawa dito sa Pilipinas ‘yan,’” ani Cruz.

Natagpuan ang bangkay sa gilid ng isang diversion road sa Barangay Lantic noong weekend.

May tattoo itong dragon sa dibdib at mga gasgas at pasa.

“Merong distinct po eh. Pag sinabing tattoo na ginawa sa ibang bansa… ng gang. Medyo magaspang po ang gawa eh. Dito ho sa atin, kung mapapansin niyo medyo makinis,” ayon pa kay Cruz.

Sinabi ni Cruz na kinuha ng mga awtoridad ang mga sample ng DNA mula sa bangkay.

Ayon sa datos ng PAOCC at Philippine National Police, 66 na bangkay ang nakita sa Central Luzon at Southern Tagalog Regions mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon. RNT

Previous articleKathryn, nagkwento sa experience sa Australia!
Next articleGobernador ng Cagayan pinatawan ng indirect contempt