Home NATIONWIDE Drayber, kalsada, kondisyon ng bus bubusisiin ng LTFRB sa Antique tragedy

Drayber, kalsada, kondisyon ng bus bubusisiin ng LTFRB sa Antique tragedy

MANILA, Philippines – Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nitong Miyerkules, Disyembre 6, na bubusisiin nito ang kondisyon ng drayber, bus at kalsada kasunod ng matinding aksidente sa Antique.

“I understand na isa sa mga nasawi yung driver, pero we will be conducting tests kung yung driver ba lasing ba that time,” pahayag ni LTFRB Chairman Undersecretary Teofilo Guadiz III.

Dagdag pa sa kondisyon ng drayber, tinitignan din ng ahensya ang posibleng maintenance failure at hindi tamang ruta na posibleng dahilan ng aksidente na kumitil sa buhay ng 17 katao.

“It is incumbent of the bus company na everytime na babyahe ‘yan, sisiguraduhin nila na maayos ang kanilang mga bus. Titignan namin yung ledgers sa terminal kung ano yung condition bago ito umalis,” dagdag pa niya.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang LTFRB sa insurance provider ng kompanya ng bus para sa insurance claims ng mga biktima.

“[We have coordinated with them] to see to it na yung mga namatayan will be properly indemnified, that’s half-a-million per head, and to attend to the medical bills ng mga seryoso,” ani Guadiz.

Nauna nang nagpataw ang LTFRB ng 90-day preventive suspension sa 13 units ng bus company na tumatakbo sa Iloilo-Antique route.

Kasunod ng insidente, inanunsyo ng ahensya na magsasagawa ito ng random drug testing at roadworthiness inspections sa ilang terminal ng bus sa buong bansa mula Disyembre 21 hanggang sa bagong taon. RNT/JGC

Previous articleIsa sa persons of interest sa Marawi bombing, graduate ng MSU
Next articlePanukala vs agri economic sabotage lusot sa ikalawang pagbasa sa Senado