Home METRO Drayber kinatay ng kainuman na senglot

Drayber kinatay ng kainuman na senglot

ECHAGUE, ISABELA – Imbes na masaya sana sa pagdiriwang ng Pasko ay napalitan ng lungkot at pighati ang mga kamag-anak ng isang driver habang pinaglalamayan ngayon matapos tagain ng kanyang nakainuman sa Garit Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Billy Andaher, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dilag, Tabuk City habang ang suspek ay si Eddie Olarte, 59-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Garit Norte, Echague Isabela.

Ayon kay PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station na nag-inuman ang dalawa sa bahay ng suspek at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa mauwi sa pananaga ng pinaghihinalaan sa biktima.

Sa pagresponde ng pulisya ay agad na nahuli ang suspek at mahaharap sa kasong homicide. Rey Velasco

Previous articleP408K shabu narekober sa HVI sa Laguna
Next articleNPA tinawag na traydor ni VP Sara sa nasawing sundalo sa Batangas