Home NATIONWIDE Drayber na-trap ng 6 na araw sa naaksidenteng trak

Drayber na-trap ng 6 na araw sa naaksidenteng trak

UNITED STATES – Isang himala na maituturing ang pagkakasagip sa isang lalaki na naipit sa trak na minamaneho nito na bumangga sa ilalim ng isang tulay sa Indiana, United States.

Ito ay makaraang inabot ng anim na araw bago tuluyang natunton at nasagip ang drayber na naipit sa loob ng na-aksidenteng trak. Hindi nagawang makahingi ng saklolo ng drayber dahil hindi na rin nito naabot ang kanyang cellphone.

Nitong Martes, natagpuan ng dalawang lalaki sa Salt Creek, malapit sa bayan ng Portage, ang lalaki na naipit sa sasakyan nito sa ilalim ng I-94 highway, mula pa noong Disyembre 20.

Dahil dito ay agad na humingi ng tulong ang dalawa. Naging pahirapan ang pagsagip sa lalaki na nasa trak nito sa malalim na bangin.

Kinailangan pang i-airlift ang biktima patungo sa South Bend, Indiana hospital sa tinawag ng pulisya na “life-threatening injuries.”

Nagsimula ang insidente nang mahulog sa malalim na bangin ang pickup truck ng lalaki, nagpagulong-gulong sa creek at sumiksik sa ilalim ng tulay, ayon kay Indiana State Police Sergeant Glen Fifield.

Dagdag pa, kinailangan ng lalaki na uminom ng tubig-ulan para lamang makaligtas.

“This is a miracle that this gentleman is alive today, and that these two gentlemen just happened to be on that creek,” ani Fifield.

Sinasabing nakatulong ang maayos na panahon noong Christmas holiday para makaligtas ang biktima, ngunit sa pagbaba ng temperatura simula Miyerkules, sinabi ni Fifield na “I don’t believe that he would have made it through the night.”

Itinuturing na milagro na umano ang pagkakadiskubre sa kanya sakto sa oras na babagsak ang temperatura sa lugar.

“I looked inside and moved the white airbag, and there was a body in there,” kwento ni Mario Garcia, nakakita sa biktima.

“I went to touch it, and he turned around. And that — it almost killed me there, because it was kind of shocking. But he was alive,” dagdag pa niya.

“He was very happy to see us… I’ve never seen a relief like that.”

Kalaunan, tinukoy ng US media ang biktima na si Matthew Reum, 27-anyos.

“He mentioned he had been there since last Wednesday,” sinabi pa ni Garcia.

“He says he tried yelling and screaming but nobody would hear him,” dagdag niya.

“He had to survive on just his youth… and God’s help. Because I don’t see no other way.” RNT/JGC

Previous article1 patay sa pagsalpok ng van sa trak sa Roxas Boulevard
Next articleTrike driver patay sa bangga ng traktora