Home METRO Drayber na wanted sa pagpatay tiklo sa Maynila

Drayber na wanted sa pagpatay tiklo sa Maynila

MANILA, Philippines – DAHIL sa isang impormante ay natunton ang isang 44 anyos na matagal nang wanted sa batas sa kasong pagpatay, nang bitbitin ito sa isang basketball Court nitong Martes ng hapon, Oktubre 24 sa San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Michael Garcia, may asawa, driver at nanunuluyan sa Villa Antonina, San Nicolas, Bacoor, Cavite

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, Commander ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-10:00 ng umaga nang matunton ang salarin sa Villa Antonina Basketball Court sa San Nicolas II, Bacoor.

Sa utos ni Brannon, pinangunahan ni Police Captain Moises Garcia, hepe ng Warrant and Intel Section, kasama ang MDIT-RIU NCR sa pangunguna ni PCPT Pierre Jsmil Datong ay naaresto ang suspek.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon Jansen Rodriguez, Presiding Judge ng RTC Branch 6, ng Manila na may petsang January 23, 2009, dahil sa kasong Murder na walang inilaang piyansa. Rene Crisostomo

Previous articleSuspek sa panghoholdap sa Alfamart, arestado!
Next articleNakakainsulto! Pahayag ng China sa Pilipinas bilang puppet ng US, sinupalpal ng DND chief