BALAYAN, Batangas – INAALAM na ng mga awtoridad na motibo sa pamamaril-patay sa driver ng mambabatas para sa tunay na pagkakakilanlan at agaran ikadarakip kahapon ng hapon, Agosto 4 sa bayang ito.
Kinilala ang biktimang si Edgardo Sanbuenaventura Jr., 51, driver sa tanggapan ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan mula sa kalibre 45 pistol.
Batay sa paunang report ng Balayan-PNP, bandang 4:55 PM nang maganap ang krimen sa may tiangge sa Barangay Ermita-Calzada ng naturang bayan.
Batay sa inisyal na report ng Balayan Police Station, habang ang biktima na kasalukuyang lulan ng motorsiklo papauwi, kung saan bago umano umuwi ang biktima ay nagtungo ito sa isang tindahan ng Pizza para bumili ng pasalubong sa kanyang pamilya malapit sa Talipapa Market.
Napag-alaman na naglalakad na papalapit na ang biktima sa stall ng Pizza nang biglang malapitan itong pinagbabaril ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pagpaslang sa dating driver/aide ng kongresista.
Duguan bumulagta sa kalsada ang biktima at agad na nalagutan ng hininga.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Ayon kay Police Master Sergeant Cipriano Aquino, may hawak ng kaso, bukod sa walang bisyo ang biktima ay wala rin itong criminal records.
Inilarawan naman ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa Beach Boys Rider Club na siyang pangulo na isa itong mabait at pinaka matulunging tao. Mary Anne Sapico/Ellen Apostol