Home NATIONWIDE Drayber ng SUV na nambangga ng sasakyan posibleng bawian ng lisensya

Drayber ng SUV na nambangga ng sasakyan posibleng bawian ng lisensya

MANILA, Philippines – Posibleng bawian at tuluyang mawalan ng lisensya ang drayber ng SUV na sangkot sa video na nambangga ng isa pang kotse, ayon sa Land Transportation Office nitong Lunes, Pebrero 19.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza III, maglalabas ng show cause order sa drayber ng Toyota Fortuner ang LTO Central Luzon na nambangga ng sasakyan.

“Pinapa-show cause na natin kasi mukhang intentional yung pagbangga niya sa sasakyan, kitang kita sa video. We want the person to explain, ano nangyari dun? Bakit niya ginawa ‘yun?” ani Mendoza sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

Aniya, ang insidente ay mukhang hindi bunga ng road rage.

“Depende sa paliwanag, pero posible kung intentional at mukha naman ‘yung pagkabangga niya sa sasakyan at walang justifiable cause, nand’yan ‘yung full extent ng kanyang penalty, revocation ng kanyang lisensya,” sinabi pa ng LTO chief.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang video kung saan tila sadyang binangga ng SUV ang isa pang sasakyan sa Subic nitong weekend. RNT/JGC

Previous articlePamamahagi ng cash assistant sa mga senior, PWD at iba pa, pinangunahan ni Sen. Marcos
Next articleSalvage victim natagpuan sa Batangas