MANILA, Philippines – Tukoy na ng Philippine National Police ang drayber ng SUV na sangkot sa pinakahuling road rage at gun-toting incident sa Valenzuela City.
Ayon sa PNP, opisyal na nila itong papangalanan bukas, Setyembre 11.
Sa report, inabisuhan na umano ang mga kaanak ng drayber tungkol sa kaso at nangako naman an mga ito na kukumbinsihin ang drayber na sumuko na.
Samantala, inalis na ng PNP Firearms and Explosives Division ang firearm license ng SUV driver.
Natunton na rin ng pulisya ang taxi driver na sangkot sa insidente, at makakaharap na ang suspek.
Ang viral road rage incident ay nangyari noong Agosto 19 kung saan inilabas ng drayber ng SUV ang kanyang baril at itinutok sa taxi driver sa Barangay Punturin, Valenzuela City.
Nangyari ang insidente nang makabangga ng SUV ang taxi sa plano sana nitong pag-overtake sa isa pang sasakyan sa kalsada. RNT/JGC