Home METRO Drayber sugatan, angkas patay sa steel post

Drayber sugatan, angkas patay sa steel post

ILOCOS SUR-Sugatan ang driver samantalang patay ang angkas nito matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa steel post sa Brgy. Quinarayan, Narvacan ng lalawigang ito.

Bandang 12:05 kagabi nang mangyari ang insidente sa national highway sa nabanggit na lugar.

Kinilala ng Narvacan Municipal Police Station ang driver ng kulay puting Suzuki motorcycle na si Alex Denver Burgos y Viray, 18, residente ng Brgy. Sacuyya Norte, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala naman ang angkas nito na si Erickson Peralta, nasa legal na edad, walang asawa, residente rin ng Brgy. Sacuyya Norte, Santa, Ilocos Sur.

Bumibiyahe patungong timog na direksyon ang motorsiklo nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa isang steel post.

Dahil dito, ang driver at ang angkas nito ay parehong nagtamo ng fatal injuries at kapwa isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan.

Gayunman, ang backrider ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articlePH, Aussie forces nagsagawa ng air assault exercise sa Palawan
Next article5 arestado sa P1.3M ‘bato’ sa Bacolod