Sinuspinde ng NBA si Golden State Warriors forward Draymond Green ng limang laro nang walang bayad para sa kanyang mga aksyon sa pakikipagsagupaan sa Minnesota Timberwolves noong Martes, inihayag ng liga kahapon.
Ayon sa pahayag ng NBA, ang history ng pagiging unsportsman ni Green ay bahagi sa haba ng ipinataw na suspensiyon.
Nasa gitna ng bakbakan si Green sa pagbubukas ng mga minuto ng laro noong Miyerkules laban sa Minnesota Timberwolves sa San Francisco.
Matapos isablay ni Anthony Edwards ang isang 3-pointer, nagsimulang mag-agawan sina Klay Thompson ng Golden State at Jaden McDaniels ng Wolves habang ang magkabilang koponan ay patungo sa kabilang panig ng court.
Pagkatapos ay nagkaroon ng alitan sina Thompson at McDaniels, at lumapit si Minnesota big man Rudy Gobert upang subukang paghiwalayin ang dalawa.
Iyon ay nang pumasok si Green, inilagay si Gobert sa isang headlock bago siya kinaladkad patungo sa bench ng Warriors.
Si Thompson, McDaniels at Green ay na-eject nang 1:43 lamang sa laro, at iniulat ng ESPN noong Huwebes na sina Thompson, Gobert at McDaniels ay pinagmulta ng $25,000 bawat isa.
Si Green, 33, ay may average na 8.8 points, 5.7 assists at 5.1 rebounds sa siyam na laro (lahat ng simula) ngayong season.
Kwalipikado siyang bumalik para sa laro ng Golden State laban sa host Sacramento Kings sa Nob. 28.
Na-eject na si Green mula sa dalawang laro ngayong season, na na-eject din laban sa Cleveland Cavaliers noong Linggo.
Ang Warriors (6-6) ay natalo ng apat na sunod na laro patungo sa home game sa Huwebes laban sa Oklahoma City Thunder.JC