Home METRO Driver na nakasagasa nagpakulong na lang sa taas ng hospital bill

Driver na nakasagasa nagpakulong na lang sa taas ng hospital bill

MANILA, Philippines – Kusang-loob na lamang nagpakulong ang isang driver ng motorsiklo na nakasagasa sa mag-ina makaraang hindi nito kayang bayaran ang hinihinging hospital bill sa Barangay Molino 4, Bacoor City Cavite

Ayon sa report, kapwa ginagamot sa Perpetual Hospital ang biktimang si Shirley Maturgo y Hernandez, nasa hustong gulang at anak nito na walong taong gulang dahil sa tinamong sugat sa nasabing aksidente.

Kinilala naman ang driver ng motor na si Ronilo Pelayo y Tahor.

Base sa ulat, dakong alas 6:30 ng umaga, papatawid umano ang mag-ina sa kahabaan ng Molino-Zapote Road sa Brgy Molino 4, ng nasabing lungsod upang ihatid ang anak nito sa Molino Elementary School nang aksidenteng nasagi sila ng suspek sakay ng kanyang Kawasaki 100 na motor .

Dahil sa pagkakahagip, kapwa bumagsak ang mag-ina sa semento kung kaya nagtamo ito ng mga sugat sa katawan kaya isinugod sa ospital.

Napag-alaman na maayos namang nakikipag-ayos ang suspek sa kamag-anak ng biktima sa Bacoor City Component Police Station at dito ay hinihingan siya ng halagang P50,000 na inisyal na bayad para sa hospital bill.

Subalit ikinabigla umano ito ng driver at dahil sa wala siyang mapagkukunan ng nasabing halaga nagpasya na lang ang suspek na magpakulong kung kaya kinasuhan na lamang ito. Margie Bautista

Previous articlePekeng memo na nagpapabalik sa “Bilibid 19” sa NBP, nabuking
Next articleMaritime zone sa ilalim ng UNCLOS, tutukuyin sa panukala ni Gatchalian

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here