Home NATIONWIDE Dropouts dahil sa maagang pagbubuntis, pagpapakasal bumaba

Dropouts dahil sa maagang pagbubuntis, pagpapakasal bumaba

MANILA, Philippines- Bumaba ang bilang ng mga estudyane na huminto sa kanilang pag-aaral dahil sa maagang pagbubuntis at maagang pagpapakasal.

Sa katunayan, mahigit 88% na lamang ito dahil sa pagkakaroon ng alternatibong learning programs.

Sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang second basic education report na patuloy na pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang mekanismo para protektahan ng mga mag-aaral sa lahat ng uri ng karahasan, diskriminasyon at panganib.

“Through the promotion of Alternative Delivery Modes, we were able to decrease the total number of dropouts due to teenage pregnancy and early marriage by 88.85%,” ayon kay VP Sara.

Hindi naman malinaw kung anong taon ang sakop ng nasabing report.

Maliban dito, sinabi ni VP Sara na may 1,017 teen centers ang muling binuhay para gamiting health resources at referrals, at binuo ang child protection committee para turuan ang mga estudyante na kilalanin ang karahasan, eksploytasyon at sexual abuse.

Sa ngayon, nalutas na ng Learner Rights and Protection Office ng DepEd ang 178 kaso ng child abuse.

Base sa binagong Kindergarten to Grade 10 (K-10) curriculum, plano ng DepEd ang turuan ang mga mag-aaral ng “sexual at reproductive health rights” simula sa Grade 4 level, kung saan ang mga estudyante ay kadalasang nasa edad na walo hanggang sampu.

Makatatanggap naman ang Grade 5 students ng lecture ukol sa malusog na pamamaraan kung paano pangasiwaan ang “puberty-related changes, communicating needs, and respecting boundaries in relationships.”

“Respecting basic gender concepts and all sexual identities will be taught in the third quarter of Grade 6,” ayon sa ulat.

Ang paksa naman sa social development ay ipaliliwanag sa Grade 7, habang iyon namang may kaugnayan sa sexually-transmitted infections, gaya ng HIV at AIDS, ay para sa Grade 8 students.

Ang Grade 9 students, karaniwang ang edad  13 hanggang 15, ay tuturuan ng mga paraan para ipakita ang responsableng “sexual behaviors. Kris Jose

Previous article3-month extension sa PUVMP gamitin sa pagrebyu ng programa – solon
Next articleBagong funeral chapel sa pampublikong crematorium at columbarium sa Las Piñas pinasinayaan