Drug abuse helpline, inilunsad ng DOH

Drug abuse helpline, inilunsad ng DOH

June 25, 2020 @ 8:16 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes nag Substance Abuse Helpline 1550 bago ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking sa Hunyo 26.

Sinabi ni program manager Jose Bienvenido Leabres ng Dangerous Drugs Abuse Prevention and Treatment Program ng DOH na layon ng helpline na siguruhin ang access sa professional assistance para sa persons who use drugs (PWUDs) sa gitna ng quarantine.

Ipinaliwanag ni Leabres na magbibigay ng impormasyon at suporta, brief interventions, at referrals ang helpline sa naaayong treatment centers para sa PWUDs at sa kanilang mga pamilya.

Siniguro rin niya sa publiko na magiging confidential ang tawag at protektado ito ng Data Privacy Law.

Magiging available ang helpline mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

“Ito po ay isang special project ng Office of the President pati na rin ang DOH. Ang target population natin ay… drug users [o] PWUDs, pangalawa, sa mga pamilya, at pangatlo, para sa general public,” saad ni Leabres sa isang briefing. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...