Home METRO Drug den winasak ng PDEA; 4 durugista timbog

Drug den winasak ng PDEA; 4 durugista timbog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2 (Cagayan Valley) ang apat na hinihinalang tulak ng droga at binuwag ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation dito noong Martes, Marso 19.

Sinabi ng PDEA na ang mga suspek ay itinuturing na high-value target.

Ang mga suspek na sina John, Jerome, Mark, at Michael ay naka-surveillance at nagpositibo sa droga sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha mula sa kanila ang anim na gramo ng hinihinalang shabu at isang gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, samu’t saring drug paraphernalia, apat na cellular phone, at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa droga. Santi Celario

Previous articleTiyuhin patay sa pamangkin sa away-kalabaw
Next article400 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC