Home METRO Drug queen tiklo sa P136M shabu

Drug queen tiklo sa P136M shabu

MISAMIS ORIENTAL- ARESTADO ang hinihinalang ‘drug queen’sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay, nitong Lunes, Hulyo 3 sa probinsyang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Zenaida Pangunot, negosyante, lumad, taga-Marawi City, Lanao del Sur, at nakatira sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City.

Ayon kay PDEA Misamis Oriental Provincial Director Expedito Cardona, nakuha sa suspek ang P136 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Aniya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek at nanggagaling pa sa Maynila ang suplay nitong mga illegal na droga at ipinapakalat sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleRemulla na-heart bypass, iginiit na ‘di magbibitiw sa pwesto
Next articleNGCP pinagpapaliwanag ng ERC sa 37 delayed projects

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here