Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police ang isang drug suspect na nakuhanan ng mahigit ₱203,000 halaga ng shabu Martes ng hapon, Setyembre 17.
Sa report ng Taguig City police na natanggap ng Southern Police District (SPD) ay nakilala ang nadakip na suspect na si alyas Kadir, 50.
Base sa isinagawang imbestigasyon, naganapang pagdakip kay alyas Kadir dakong alas 5:30 ng hapon malapit sa sa beauty parlor na matatagpuan sa kahabaan ng Maharlika Road, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
Sa ikinasang operasyon ng SDEU ay narekober sa posesyon ng suspect ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 29.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱203,320.
Bukod sa nakumpiskang ilegal na droga ay narekober din kay alyas Kadir ang isang coin purse at ang ₱500 buy-bust money na ginamit sa naturang operasyon na nakapaibabaw sa limang tig-₱1,000 counterfeit money.
Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis habang kasong paglabaag sa Section 5 at 11 Article II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspect sa Taguig City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)